SAMAHANG MAGPAPALAGO SA WIKANG FILIPINO
Deskripsyon
Sa Taong Panuruan 2014-2015 pormal na nabuo ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino ng Lapu Lapu City College ang organisasyon sa Filipino na tinawag na Samahang Magpapalago sa Wikang Filipino o SALAWIKAFIL. Naitatag ang samahan, na may layuning maitaguyod at mapalaganap ang pagpapaunlad sa Wikang Filipino. Ang mga naging kasapi ng samahan ay ang lahat ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Filipino sa kolehiyo. Ang mga miyembro ng samahan ay tatawaging “Kasapi”.
Sa taong panuruan 2018-2019, pormal na kinilala ang samahan bilang isang organisasyon sa College of Education sa Lapu-Lapu City College. Ang mga kasaping mag-aaral ay nananalig na magampanan nang buong tagumpay ang lahat ng mabuting layon at hangaring nauukol sa ikauunlad ng wika na magbubuklod at mag-uugnay sa mga mamamayang Pilipino.
Bisyon
Ang Samahang Magpapalago sa Wikang Filipino o SALAWIKAFIL ay makikilala bilang aktibong magtataguyod at mangunguna sa pagpapalago sa Wikang Filipino sa mga kasapi at pangkalahatang komunidad sa larangang pang-akademiko.
Misyon
Ang Samahang Magpapalago sa Wikang Filipino ay nakatuon sa:
- Pagpapaunlad sa Wikang Filipino;
- Pagsasanay at panghihikayat sa kasapi nito at sa akademikong komunidad;
- At pagpapalawak sa kaalaman, kahusayan, at kahalagahan sa Wikang Filipino.
Layunin
Ang mga layunin sa pagbuo ng organisasyon:
a.) Mapagsama-sama ang lahat ng mga mag-aaral na nagmemedyor ng Filipino;
b.) Mapanatili, maiparangal, at maikintal sa puso, isip, diwa at gawa ang wastong damdaming makabayan sa paggamit ng wikang Filipino;
c.) Mapabuti ang pag-aaral, pagpapayaman, at pagpapalaganap ng wikang Filipino;
d.) Mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng wikang Filipino na mapalago sa larangang pang-akademiko;
e.) Matugunan ang pagbibigay-lunas sa anumang mga suliranin na may kinalaman sa pag-aaral ng wika;
f.) Mapatatag at mapagtibay ang samahan sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga kasapi bilang magkapatid satungkulin;
g.) Makatulong sapangangasiwa ng palatuntunan at mga patimpalak para sa pagdiriwang ng buwan ng wika taon-taon; at
h.) Maging aktibo at makikiisa sa ibang organisasyon upang mas makilala at mapa unlad ang ating samahan.
Mahahalagang Pag-uugali
Dedikasyon
Gagampanan na may buong kahusayan ang mga naiatas na responsibilidad upang mas mapabuti, mapalago, at maipagpatuloy ang misyon at bisyon ng organisasyon.Makabayan
Mabibigyang kamalayan, pagpapahalaga, at magtatampok ng sariling atinSerbisyo
Paghahatid at matatawarang kalidad sa paggawa upang makamit at mahigitan ang mga inaasahan sa organisasyon at tapat sa tungkulin.Pagkakaisa
Pagbuo ng matatag na ugnayan sa kapwa, organisasyon, at institusyon sa pagsusulong at pagpapahayag ng Wikang Filipino.